^

PM Sports

Yulo hahawakan pa rin ng local coach

Chris Co - Pang-masa
Yulo hahawakan pa rin ng local coach
Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo
STAR/Russell Palma

MANILA, Philippines — Wala pa ring foreign coach si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo.

Sa halip, mananati­ling local coach ang hahawak sa training nito para paghandaan ang kanyang mga susunod na laban.

Ito ang kinumpirma ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion kung saan si coach Aldrin Castaneda pa rin ang tututok sa pagsasanay ni Yulo.

Gayunpaman, handa ang GAP na kumuha ng foreign coach sakaling magkaroon ng oportunidad.

Malaki ang maitutulong ng isang foreign coach sa pagsasanay ng isang atleta gaya ng ginawa ng GAP kay Yulo.

Matatandaang si Japanese coach Munehiro Kugimiya ang na­ging mentor ni Yulo upang maging isang world-class athlete ito.

Hinubog ni Kugimiya si Yulo upang masungkit ang kanyang kauna-una­hang world title noong 2019 World Champinships sa Stuttgart, Germany.

Nasungkit ni Yulo ang gintong medalya sa men’s floor exercise.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Carrion na nagpaparamdam na ang ilang Russian coaches na nais tumulong sa training ng Pinoy gymnasts.

Bumisita sa training venue ng national gymnastics team si Russian ambassador Marat Pavlov at humanga ito sa husay ng mga Pinoy athletes.

Ayon pa kay Carrion, posibleng bumisita ang ilang Russian coaches sa Pilipinas para tulungan ang mga miyembro ng national pool.

CARLOS YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with