^

PM Sports

Gilas stint malaking tulong kay Quiambao

Chris Co - Pang-masa
Gilas stint malaking tulong kay Quiambao
La Salle's Kevin Quiambao
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Isa sa mga superstars ngayong henerasyon si De La Salle University standout at UAAP Most Valuable Player awardee Kevin Quiambao.

Matunug na matunog si Quiambao na solido ang inilalaro para sa Green Archers na magtatangkang depensahan ang kanilang korona sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.

Mataas ang IQ ni Quiambao sa paglalaro dahilan para makuha nito ang atensiyon ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone.

Makailang ulit nang sumalang si Quiambao kasama ang Gilas Pilipinas.

Malaking karangalan para sa 6-foot-5 player na mapabilang sa national team kasama ang mahu­husay na pro players sa bansa.

“As a player, this is a big achievement in my career knowing that it’s the Philippine flag that’s draped on the jersey I’m wearing,” ani Quiambao sa programang Power and Play.

Naging bahagi si Quiambao ng Gilas noong 2022 FIBA Asia Cup, FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers, FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers at FIBA Olympic Qualifying Tournament.

“Playing for the Phi­lippines and representing the country is a once in a lifetime opportunity that I don’t want to miss. And for me, once my name is called, I’ll just give my best,” ani Quiambao.

Nakapaglaro pa ito kasama si dating NBA superstar Dwight Howard sa Strong Group Athle­tics na sumabak sa Dubai International Basketball Championships sa United Arab Emirates.

Kaya naman ang mga natutunan nito sa Gilas Pilipinas ang dinadala nito sa UAAP.

KEVIN QUIAMBAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with