War Cannon markado sa PCSO Silver Cup

MANILA, Philippines — Matunog sa social media ang War Cannon na posibleng makasilat sa 2024 PCSO “Silver Cup” Stakes race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas sa Oktubre 13.

Nagdeklara ng paglahok ang connections ng War Cannon sa event na nakataya ang garantisadong P4M premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa distansyang 1,800 meter race.

Lalahok din sa nasabing karera ang Basheirrou, Boss Emong, Diversity, Don Julio, Easy Does It, Istulen Ola, Jungkook, La Trouppei, Magna Cum Laude at Prime Billing.

Sasakyan ni reigning Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awar­dee, John Alvin Guce ang War Cannon, puntirya nila na masungkit ang P2.4M premyo.

Tiyak na mapapalaban ng todo ang War Cannon ayon sa mga karerista dahil mga tigasing kabayo din ang mga kasali tulad nina former PSA-Horse of the Year awardee, Boss Emong at stakes races contender, La Trouppei.

Samantala, maliban sa nabanggit na karera, tiyak na may ihahanda pa ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) na mga balanseng regular races para sa mga karerista.

Show comments