^

PM Sports

Caloy babalik sa Japan

Chris Co - Pang-masa

CEBU, Philippines — Tutulak si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo sa Japan upang personal na ipaabot ang pasasalamat nito sa mga personalidad at grupo na tumulong sa kanya doon.

Magtutungo sa Tokyo si Yulo sa Oktubre 14 hanggang 18 kung saan kabilang sa pupuntahan nito ang Teikyo University kung saan ito nag-aral bilang iskolar.

Makikipagkita si Yulo sa pangulo ng unibersidad para personal itong magpasalamat.

Inaasahang makikipagkita rin ito kay Japanese coach Munehiro Kugimiya na siyang humubog kay Yulo para maging isang world-class gymnast.

Matatandaang si Kugimiya ang naging katuwang ni Yulo sa pagkopo ng kanyang kauna-unahang world title noong 2019 sa World Championships matapos nitong pagharian ang men’s floor exercise.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion, matapos ang pagbisita ni Yulo sa Japan, agad na sasalang ang PInoy champion sa ensayo.

Maraming nakalinyang torneo ang paghahandaan ni Yulo sa susunod na taon.

Ilan dito ang World Cup na gaganapin sa Cottbus, Germany sa Pebrero 20 hanggang 23 para sa first leg; sa Marso 6 hanggang 9 sa Baku, Azerbaijan para sa second leg; at sa Marso 20 hanggang 23 sa Antalya, Turkey para sa third leg.

Ngunit ayon kay Carrion, pipiliin lamang ang mga torneong lalahukan nito sa World Cup dahil maghahanda rin si Yulo para sa World Championships na gaganapin naman sa Jakarta, Indonesia sa Oktubre 19 hanggang 25 sa 2025.

Bukod pa rito ang Southeast Asian Games na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa Disyembre.

 

PARIS OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with