JRU Heavy Bombers pinasabog ang EAC Generals

Tinirahan ni MJ Raymundo ng Heavy Bombers ang isang Generals defender.

MANILA, Philippines — Kumolekta si Joshua Guiab ng 19 points at 12 re­bounds para tulungan ang Jose Rizal Universi­ty sa 75-63 paggupo sa Emi­lio Aguinaldo College sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament ka­hapon sa FilOil EcoOil Cen­tre sa San Juan City.

Diniskaril ng Heavy Bombers ang hangad na back-to-back wins ng Ge­nerals para sa kanilang 3-5 marka kapareho ng huli.

Nagdagdag si rookie Ro­bin Bernardo ng 13 mar­­kers, habang may 12 points si Shawn Argente para sa Jose Rizal na ki­nu­ha ang 36-32 halftime lead.

Itinabla ni Nico Quinal ang EAC sa 45-45 sa hu­ling 2:25 minuto ng third period.

Sa likod nina Guiab at MJ Raymundo ay nakahulagpos ang Heavy Bom­bers sa 69-57 sa 1:48 mi­nuto ng fourth quarter.

Binanderahan ni King Gurtiza ang Generals sa kanyang 15 points.

Sa unang laro, ti­na­ka­san ng Arellano Univer­sity ang College of St. Be­nilde, 73-71, tampok ang 16 markers ni T-Mac Ongotan.

Nag-ambag si Ernjay Geronimo ng 14 points para sa 3-6 kartada ng Chiefs.

Laglag ang Blazers sa 6-2 para masosyohan ng Mapua Cardinals (6-2) sa liderato kasunod ang Letran Knights (5-3) at San Beda Red Lions (4-3).

 

Show comments