Arellano dinaig ang San Beda

MANILA, Philippines — Pinalo ng Arellano Uni­versity ang ikalawang pa­nalo matapos gilitan ang San Beda University, 25-19, 22-25, 20-25, 25-10, 15-6, sa 2024 Shakey’s Su­per League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Kinapitan ng Lady Chiefs si middle blocker Fhaye Mangubat para ma­natili sa liderato sa Pool A.

Tumikada si Mangubat ng 20 points mula sa 15 attacks, tatlong blocks at dalawang aces.

Nagkaroon naman si Lai­ka Tudlasan ng left ankle injury matapos ang ma­samang bagsak sa third set kung saan ay naghahabol sila ng tatlong puntos, 14-17.

Nalasap ng Lady Red Spi­kers ang ikalawang su­nod na kabiguan.

Sa unang laro, dinaig ng University of the East ang University of Perpe­tual Help System Dalta, 25-17, 25-20, 25-15, para sa pangalawang dikit na arangkada.

 

Show comments