Yulo malaki ang pasasalamat kay coach Mune

MANILA, Philippines — Nais ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo na makatulong sa iba pang gymnasts na nais masundan ang kanyang yapak.

Kaya naman target nitong maibahagi ang magagandang aral na natutunan nito noong hawak pa ito ni Japanese coach Munehiro Kugimiya.

Matatandaang si Ku­gimiya ang humubog kay Yulo upang maging isang ganap itong world champion noong 2019 kung saan nasungkit nito ang kanyang unang world title matapos pagharian ang men’s floor exercise sa World Championships.

Subalit naputol ang ugnayan nina Yulo at Kugimiya noong nakaraang taon dahil sa mga personal na issues.

Sa kabila ng paghihiwalay ng landas ng dalawa, dala pa rin ni Yulo ang mga lessons na natutunan nito kay Kugimiya.

“I think what I learned from him is the dedication to my work, which has made me someone who keeps on trying, to not be afraid and give up to achieve what you want in life,” ani Yulo.

At ito ang mga nais niyang maibahagi sa mga kapwa niya gymnasts at sa mga kabataang nais maging tulad niya na isang world-class athlete.

“When you work hard, you give your time, you give your dedication, you give your heart, even if you don’t achieve what you want in life, you could still achieve something greater,” dagdag nito.

Malaki ang pasasalamat ni Yulo kay Kugimiya.

 

Show comments