Lady Bulldogs sisimulan ang title defense vs Lady Blue Eagles

MANILA, Philippines — Sisimulan ng National University ang kanilang kampanya sa pagsagupa sa Ateneo de Manila University sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila ngayong araw.

Lalarga ang Pool A match sa pagitan ng NU at Ateneo sa alas-6 ng gabi,

Inaasahang magandang laban ang tatlong matches ngayong araw, sa ala-1 ng hapon ang banatan ng University of the East at University of Perpetual Help System DALTA habang  sa alas-3:30 ang paluan ng San Beda University at Arellano University.

Ipaparada ng Bulldogs sina SSL ambassador Bella Belen, reigning tournament Most Valuable Player Alyssa Solomon, top setter Lams Lamina at Arah Panique, markado ang title favorite NU sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Hindi pa nakakatikim ng talo ang Lady Bulldogs sa 24 matches sapul nang sumali sila sa SSL noong 2022, pakay nila ang three-peat ngayong season.

 

Show comments