Japan saludo kay Yulo
MANILA, Philippines — Kinilala ng Japan Embassy sa Pilipinas ang na-ging matagumpay na kampanya ni Pinoy gymnast Carlos Yulo na nagbulsa ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.
Malawak ang kontribusyon ng Japan para maabot ni Yulo ang tagumpay partikular na ang naitulong ni Japanese coach Munehiro Kugimiya upang maging isang world-class athlete ang Pinoy champion.
Kaya naman kinilala ng Japan ang panalo ni Yulo sa isang simpleng programa na ginanap sa Japanese Embassy sa Ambassador’s Residence sa North Forbes Park sa Makati City.
“It was fitting the Japanese Embassy to celebrate Caloy’s [Yulo] double victory in Paris. It was in Japan where Caloy honed to become a two-time world and double Olympic champion,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.
Matatandaang nagsi-mula magtraining sa Japan si Yulo noong 2016 kasama si Kugimiya.
Naging scholar si Yulo sa Teiko University.
“For most of his late teens, Caloy has done so well in his sport and those two gold medals in Paris are testament to what he learned while in Japan,” ani Tolentino.
Sina Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya at asawang si Akiko Endo ang nagsilbing host ng simpleng seremonya kasama si International Gymnastics Fe-deration president Morinari Watanabe ng Japan.
Dumating din sina Phi-lippine Sports Commission chairman Richard Bachmann at gymnastics head Cynthia Carrion-Norton.
Nagpasalamat naman si Yulo sa mga naitulong ng Japan sa kanya partikular na ni Kugimiya.
“Marami akong natutunan kay coach Mune. Yung dedication sa ginagawa mo yan yung isa sa mga natutunan ko. Yung magsikap para makuha mo yung goal mo,” ani Yulo.
- Latest