^

PM Sports

UP kakapit sa liderato kontra sa UST

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng University of the Philippines na pala­kasin ang kapit sa No. 1 spot sa team standings sa pagharap sa University of Sto. Tomas sa Season 87 ng UAAP men’s basket­ball sa Smart Araneta Co­liseum.

Solo sa tuktok ng lide­rato ang Fighting Maroons na kakapitan ang kanilang momentum matapos itarak ang five-game winning streak.

Nakatakda ang ka­ni­lang laban ng Growling Ti­gers ngayong alas-4:30 ng hapon.

Maganda ang pagka­pa­nalo ng UP sa kanilang huling laban dahil umahon sila mula sa 22-point deficit sa second quarter kontra Adamson University Soaring Falcons.

Nagliyab ang opensa nina Harold Alarcon, Terrence Fortea at Quentin Millora-Brown para ma­kahabol sa second half at masikwat ang panalo kontra Adamson, 69-57.

Kaya tiyak na sina Alarcon, Fortea at Millo­ra-Brown ang muling sasandalan ng Fighting Maroons para masungkit ang pang-anim na sunod na panalo.

Ayon naman kay UP Head coach Goldwin Monteverde, hindi nila iisipin na wala silang talo basta lalaro lang sila at ga­gawin ang mga inensayo nila ng kanyang mga bataan.

“We’re not going to put our minds in our undefeated situation but rather tackle what’s on our plate for now,” sabi ni Monteverde.

Nasa No. 3 spot ng team standings ang UST kasalo ang University of the East Red Warriors hawak ang parehong 3-2 records.

Nais ng Growling Tigers na tuldukan agad ang pagkatalo nila sa nakaraang laban upang manatili sa magic four.

Samantala, maghaharap sa alas-6:30 ng gabi ang University of the East Red Warriors at Ateneo Blue Eagles.

May 3-3 baraha ang Red Warriors sa itaas ng 1-4 kartada ng Blue Eagles.

Umiskor ang UE ng come-from-behind 57-51 win sa National University (1-5) at nakalasap ang Ateneo ng 65-66 overtime loss sa Far Eastern University (1-5).

“We cannot afford to relax. They are a strong team,” wika ni Red Warriors coach Jack Santiago sa Blue Eagles.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with