^

PM Sports

Gin Kings sa semis na

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gin Kings sa semis na
Kinaldag ni Ginebra center Japeth Aguilar sa ilalim si Meralco import Allen Durham.
PBA Image

MANILA, Philippines — Binuhos ng Barangay Ginebra ang panapos na tagay sa fourth quarter upang mawalis ang karibal na Meralco, 113-106, sa Game 3 ng kanilang best-of-five quarterfinal series sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Natulog muna sa pansitan ang Gin Kings nang maghabol mula sa first half hanggang sa dulo ng third quarter, 66-78, bago magpakawala ng matinding ragasa para sa 3-0 sweep.

Bunsod nito ay nasikwat ng Gin Kings ang unang tiket sa semifinals at makakaharap ang magwawagi sa serye ng San Miguel at Converge.

Abante ang Beermen, 2-0, sa serye papasok sa Game 3 as of press time.

Matapos ibuslo ang game-winner sa Game 2 upang itulak palapit sa semis, hindi na nagpaawat si Justin Brownlee na pumukol naman ngayon ng 23 puntos, 3 rebounds at 4 assists.

Tampok dito ang 2 4-point shots para sa solidong follow-up ng kanyang 39-point eruption sa Game 2, kung saan ang tres siya sa huling segundo ang nagbuhat sa 104-103 panalo ng Ginebra.

Nakaakbay ni Brownlee sa panalo sina Stephen Holt at Japeth Aguilar na may tig-19 puntos habang may tig-17 puntos din sina RJ Abarrientos at Maverick Ahanmisi.

Hindi rin nagpahuli si Scottie Thompson na nag­lista ng 16 puntos para sa kalat na atake ng mga bataan ni coach Tim Cone na mamartsa na ngayon sa semis kahit na No. 3 seed lang sa Group B ng elimination rounds.

Namuro ang Gin Kings na mauwi sa Game 4 nang maagang kontrolin ng Bolts ang laban hanggang sa lumayo ng 12 puntos, 78-66.

Doon na nag-simulang magwala ang Gin Kings nang tapusin ang laban sa 47-28 ratsada upang tulu­yang lasingin ang Bolts.

Nauwi sa wala ang 38 puntos ni Allen Durham na muling yumukod sa karibal na si Brownlee matapos unang matalo sa kanilang tatlong paghaharap sa finals.

Hindi rin sumapat ang 19 at 14 puntos nina Bong Quinto at Chris Newsome, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

PBA GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with