Caloy may bagong style

Carlos Yulo

MANILA, Philippines — Ginulat ni double gold medalist Carlos Yulo ang lahat matapos ilabas ang kanyang bagong styling sa kanyang bagong post sa social media.

Namasyal sa South Korea si Yulo kasama ang kasintahang si Chloe San Jose para sa isang maikling bakasyon.

At sa pamamasyal nito sa ilang sikat na atraksiyon sa South Korea, nagpost si Yulo ng kanyang OOT o outfit of the day kung saan ibinida nito ang ang kanyang blue croptop at maong pants kasama ang isang black bag ng isang kilalang brand.

May kapares itong loa­fers black shoes.

Umani ng iba’t ibang komento ang naturang post.

May mga natuwa sa bagong styling ni Yulo ngunit may ilan ding ba­shers na bumatikos sa kanyang pagbabago ng estilo.

Subalit dedma lang si Yulo at nais na lamang mag-enjoy sa kanyang pamamasyal bago bumalik sa pukpukang ensayo para paghandaan ang kanyang mga susunod na laban.

Milyones ang natanggap ni Yulo mula sa insen­tibo nito sa gobyerno na uma­bot ng mahigit P40 milyon at iba pang limpak limpak na ibinigay ng mga pribadong kumpanya.

May brandnew condo unit pa ito sa BGC sa Taguig City habang may bagong sasakyan din ito mula sa Toyota.

Inihahanda rin ang house and lot ni Yulo sa Tagaytay mula naman kay Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino.

Kaya naman nais ni Yulo na ibahagi ang ilan sa kanyang reward sa mga kapwa gymnast nito na nagsasanay din sa pasilidad ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa Intramuros, Manila.

Show comments