MANILA, Philippines — Hindi pa rin maka-move on si Far Eastern University head coach Sean Chambers sa mga naging karanasan nito noong naglalaro ito bilang import ng Alaska Aces sa PBA.
Kabilang na rito ang pagkakataong makaharap sa laban si University of Santo Tomas head coach Pido Jarencio noon na dating player ng Ginebra.
At kung muli nitong makakaharap si Jarencio sa isang exhibition game ng mga UAAP coaches, game si Chambers na muling makipagsabayan.
“If Pido can put on a UST jersey and I can wear FEU, I will foul him hard for the times that he fouled me back in the Ginebra days,” ani Chambers.
Hindi itinatanggi ni Chambers na masama pa rin ang loob nito kay Jarencio dahil sa pamimisikal nito noong PBA days.
May anim na titulo si Chambers kasama ang Alaska sa PBA.
Itinanghal itong Best Import noong 1996 Governors’ Cup.