Tang wagi via TKO kay Palomar

MANILA, Philippines — Mabilis na napatumba ni Chinese fighter Darui Tang si Filipino Mark Palomar nang itarak nito ang knockout win sa kanilang bakbakan sa Universal Rea­lity Combat Championship (URCC) Fight Night card na ginanap sa Octopus Bar sa Makati City.

Pinakawalan ni Tang ang matatalim na atake dahilan upang pahinain si Palomar sa umpisa pa lamang ng laban.

Isang solidong suntok ang pinakawalan ng Chinese heavyweight sa se­cond round upang maitarak ang second round stoppage.

Sa kabila ng matikas na panalo, sinabi ni Tang na nahirapan ito kay Palomar.

“I love the Philippines, I hope China and the Philippines will be good friends in the future, thank you,” ani Tang.

Sa iba pang resulta, wagi si Ezekiel Isidro kay Jacis Macasinag via unanimous decision habang nanalo si Kenneth Maningat via split decision kontra kay Ariel Oliveros.

Show comments