FEU naisahan ang Baste sa SSL

MANILA, Philippines — Dinomina ng Far Eas­tern University ang San Se­bastian College-Re­coletos, 25-14, 25-19, 25-20, sa Pool D ng 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakipagtuwang si rookie Clarisse Loresco ki­na veterans Alyzza Devosora at Kyle Pendon para sa 1-0 record ng Lady Tamaraws.

Tumapos ang middle blocker na si Loresco na may siyam na puntos, ang apat ay ginawa niya sa third set kasama ang isang quick attack na dumis­karil sa pagbangon ng Lady Stags.

“Masaya po ako na ma­ganda ang inilaro ko and thankful kay coach Tina (Salak) for giving me the opportunity na ma­ipakita ko yung laro ko in today’s game,” wika ng 18-anyos na si Loresco.

Nagdagdag sina De­vo­sora at Pendon ng tig-pitong marka at may anim na puntos si Nikka Me­dina.

Kontrolado ng FEU, ang National Invitatio­nals runners-up, ang first at second sets mula sa ka­nilang solidong net defense at mga attacks.

Show comments