Chiefs binomba ng Heavy Bombers

MANILA, Philippines — Diniskaril ng Jose Rizal University ang hangad na back-to-back wins ng Arellano University matapos itakas ang 92-89 panalo sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Nagtulung-tulong sina rookie MJ Raymundo, Shawn Argente at Joshua Guiab sa dulo ng fourth quarter para ibigay sa Heavy Bombers ang 2-4 baraha at ihulog ang Chiefs sa 1-5.

Nagtapos si Raymundo na may 21 points, 7 rebounds, 2 assists at 1 steal para banderahan ang Arellano habang may 20 at 18 markers sina Argente at Guiab, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni T-mac Ongotan ang Arellano sa kanyang 20 points, 5 boards at 3 assists.

Isang 10-0 atake ang ginawa nina Guiab at Argente para ibigay sa Heavy Bombers ang 80-72 abante sa huling 3:51 minuto ng fourth period matapos iwanan ng Chiefs sa 72-70.

Nakadikit ang Arellano sa 78-84 sa likod nina JL Capulong at King Vinoya bago nagsalpak ng three-point shot at dalawang free throws si Guiab para muling ilayo ang Jose Rizal sa 89-78.

“It is expected,” ani Heavy Bombers’ coach Louie Gonzales sa Chiefs.

Samantala, kumolek­ta si Kevin Santos ng 17 points, 5 rebounds at 6 blocks para gabayan ang Letran sa 75-73 paglusot sa Emilio Aguinaldo College.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Knights para sa 4-2 record.

Laglag ang Generals sa 2-4 marka.

Show comments