^

PM Sports

Pirates pinigilan ang Cardinals

Russell Cadayona - Pang-masa
Pirates pinigilan ang Cardinals
Naipuslit ni John Barba ng Pirates ang kanyang layup laban sa Cardinals.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Tinapos ng Lyceum of the Philippines University ang pananalasa ng Mapua University matapos kunin ang 96-81 panalo sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumamada si John Barba ng 25 points para sa 3-2 kartada ng Pirates tampok ang tatlong sunod na ratsada kasabay ng pagpigil sa three-game winning streak ng Cardinals para sa 3-2 baraha nito.

Nag-ambag si Mclaude Guadana ng 16 points habang may 15 at 14 markers sina Vincent Cunanan at Jonathan Daileg, ayon sa pagkakasunod.

Katabla ng Lyceum at Mapua ang nagdedepensang San Beda University at Letran College sa third spot sa ilalim ng St. Benilde (4-1) at University of Perpetual Help System DALTA (4-2).

Kumaripas ang Pirates sa 78-70 kalamangan sa fourth quarter matapos kunin ng Cardinals ang 66-65 abante sa pagtiklop ng third period.

Sinelyuhan ni Barba ang panalo ng Lyceum matapos makumpleto ang isang three-point play sa huling 43.3 segundo.

Sa unang laro, dumiretso ang Perpetual sa ikalawang dikit na ratsada mula sa 60-52 paggupo sa San Sebastian College-Recoletos.

Pinaganda ng Altas ang kanilang baraha sa 4-2 at inihulog ang Stags sa 2-4 baraha.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with