^

PM Sports

PH Chess Team darating ngayon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang dumating ngayong araw ang Philippine Chess Team bitbit ang solid performance mula sa 45th FIDE Chess Olympiad sa Budapest, Hungary kasama ang gold medal na nasungkit ng Pinay chessers sa category B ng women’s section.

Dalawang batang woodpushers na miyembro ng Philippine team ang kuminang sa venue ng event sa BOK Sports Hall ng Hungarian capital, ito’y sina Daniel Quizon at Ruelle Canino.

Pinagpipisak nina Quizon, 19, at Canino, 16 ang mga seeded players na kanilang nakalaban kaya naman nasungkit ng una ang Grandmaster title habang ang huli ay nakalikom ng karagdagang 102 elo rating points.

Umiskor ang Cagayan de Oro native na si Canino ng impresibong anim na puntos kasama ang pagpa­pagulong sa mga rated players na sina Women GMs Claudia Amura ng Argentina at Carmen Voicu-Jagod­zinsky ng Romania.

Lamang at may tsansa sanang manalo ni Canino kay former United States champion International Master Anna Zatonskih pero kinapos sa endgame, mas malaki pa sana ang maidadagdag sa kanyang rating points kung nakalusot siya sa kanyang kalaban.

vuukle comment

CHESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with