MANILA, Philippines — Ang ikaapat na sunod na panalo ang target ng Mapua University sa pagsagupa sa Lyceum of the Philippines University sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament.
Lalabanan ng Cardinals ang Pirates ngayong alas-2:30 ng ng hapon matapos ang upakan ng Perpetual Altas at San Sebastian Stags sa alas-11 ng umaga sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Solo pa rin ng College of St. Benilde ang liderato sa hawak na 4-1 record kasunod ang Mapua (3-1), nagdedepensang San Beda (3-2), Letran (3-2), Perpetual (3-2), Lyceum (2-2), Emilio Aguinaldo College (2-3), San Sebastian (2-3), Arellano University (1-4) at Jose Rizal (1-4).
Nagmula ang Cardinals sa 77-62 pagsisiw sa Knights para sa kanilang three-game winning streak tampok ang 18 points at 12 rebounds ni rookie Chris Hubilla.
“Nakita nila na ganoon kasigasig kumuha ng rebound and of course, go hard sa offense. Iyon, tumaas ang energy namin because of Chris,” ani Mapua coach Randy Alcantara kay Hubilla.
Umiskor naman ang Pirates ng 90-86 overtime win sa Chiefs.