^

PM Sports

Quarters picture

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Playoffs matchups ang ireresolba ng final playdate ng PBA Governors’ Cup elimination phase kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang nakabitin eh No. 3 at No. 4 spots sa Group A na paglalabanan ng Magnolia Hotshots at Converge FiberXers.

Selyado na ang labanang TNT-NLEX, ganoon din ang bakbakang Meralco-Ginebra.

Naghihintay ng katapat bilang Group B qualifiers ang No. 1 Rain or Shine at No. 2 San Miguel Beer.

Pero dahil walang playoff para i-resolba ang anumang deadlock, kumpleto na agad ang quarterfinals picture pagkatapos ng Magnolia-Converge showdown.

Interesting ang lahat ng matchups. Ikunsidera na lang ang muling paghaharap ng Meralco at Ginebra.

Kopo ng Gin Kings ang lahat ng kanilang previous title collisions, pero dalawang playoff showdowns na ang hinugot ng Bolts, kasama ang 4-3 panalo sa na­ka­lipas na Philippine Cup semifinals bago dumiretso sa pagsungkit ng kanilang historic PBA first championship.

Ang kwestiyon eh, kung makaisa na si Allen Durham kay Justin Brownlee. O kay Brownlee pa rin ang huling halakhak.

Nakaiwas sa maagang matchup kontra bawat isa ang SMC teams na San Miguel, Ginebra at Magnolia. Pero hindi ang mga pambato ng MVP Group.

Magsasalpukan kaagad ang Tropang Giga at Road Warriors.

Ganoon pa man, tunay na exciting at intriguing ang lahat ng matchups.

PBA GOVERNORS’ CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with