Tropang Giga nagbaon ng panalo

Pinalobo ni TNT guard Rey Nambatac ang kanyang layup kontra kay NorthPort big man Abu Tratter.

MANILA, Philippines — Nagbaon ng panalo ang TNT Tropang Giga papasok sa crossover quarterfinals ng PBA Season 49 Governors’ Cup.

Ito ay zmatapos patumbahin ng Tropang Giga ang talsik nang NorthPort Batang Pier, 99-79, kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si 6-foot-8 Poy Erram ng 17 points, 14 rebounds at 4 assists para sa pagtatapos ng TNT sa group stage tangan ang 8-2 baraha.

Bilang No. 1 team sa Group A ay lalabanan nila sa crossover quarterfinals ang No. 4 squad sa Group B na posibleng NLEX (4-5) o Blackwater (4-5).

“Our offensive efficiency has to pick up for the playoffs while at the same time keeping our defensive intensity,” ani coach Chot Reyes. “Our defense carried us through when our offense has been struggling. So we have to maintain that.”

Nag-ambag si Rey Nambatac ng 15 markers at may 14 at 11 points sina RR Pogoy at Henry Galinato, ayon sa pagkakasunod.

Laglag ang NorthPort sa 3-7 tampok ang four-game losing slid.

Ipinahinga ng Tropang Giga si import Rondae Hollis-Jefferson, samantalang hindi naglaro si Batang Pier reinforcement Venky Jois dahil sa kanyang Achilles injury.

Bumanat si Arvin Tolentino ng 24 points para sa NorthPort kasunod ang 18 markers ni Cade Flores.

Samantala, ipapalit ng Magnolia (5-4) si import Rayvonte Rice kay Shabazz Muhammad (swollen right knee) sa kanilang pagharap sa Converge (5-4) ngayong alas-5 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Si Rice ang ikatlong import na ipaparada ng Hotshots matapos sina Muhammad at Glenn Robinson III.

Pag-aagawan ng Magnolia at Converge ang No. 3 spot sa Group A sa quarterfinals.

 

Show comments