JRU sabog sa San Beda

MANILA, Philippines — Bumangon ang nagde­depensang San Beda University mula sa naunang ka­biguan matapos gibain ag Jose Rizal University, 77-60, sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Humakot si big man Yu­kien Andrada ng 16 points, 10 rebounds at 3 assists para sa 3-2 record ng Red Lions.

Laglag naman ang Hea­vy Bom­bers sa 1-4.

Dumikit ang Jose Rizal sa first period kasunod ang pagtatala ng San Beda ng 24-point lead, 46-22, sa halftime.

Mula rito ay hindi na nakabalik ang Heavy Bom­bers.

Sa unang laro, kumo­lekta si rookie guard Mark Gojo Cruz ng 18 points, 6 assists, 5 rebounds, 3 blocks at 2 steals sa 73-67 panalo ng University of Perpetual Help System DALTA sa Emilio Aguinaldo College.

Tinapos ng Altas ang dalawang dikit na kamalasan para sa 3-2 kartada at ibinagsak ang Generals sa 2-3 marka.

“Sinabi ko lang sa ka­nila to play for 40 mi­nutes,” wika ni Perpetual coach Olsen Racela.

 

Show comments