^

PM Sports

NLEX nakasilip ng pag-asa

John Bryan Ulanday - Pang-masa
NLEX nakasilip ng pag-asa
Kumawala si Robert Bolick ng NLEX mula sa depensa ni Ricci Rivero ng Phoenix.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa daan ang NLEX matapos ma­­ngi­babaw sa 104-79 kum­bisidong tagumpay kontra sa sibak nang Phoenix upang manatiling nasa kon­tensyon ng 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Sadsad sa apat na sunod na kabiguan ang Road Warriors bago maputol ito sa wakas at umangat sa 4-5 kartada sa Group A.

Tengga sa ikaapat na puwesto ngayon ang NLEX, habang hindi nalalayo sa 3-5 kartada ang Blackwater para sa huling quarterfinal ticket ng grupo matapos masikwat ng Rain or Shine (7-2), San Miguel (6-3) at Meralco (6-3) ang unang tatlong pu­westo.

Nasiguro ng Road Warriors na manatili sa na­turang kontensyon sa likod ng 27 points ni import DeQuan Jones na siyang replacement import ni Myke Henry.

Nauna nang nagpasik­lab si Jones sa 49 points sa kanyang unang laro suba­lit nadiskaril sa 114-123 ka­biguan ng NLEX kontra sa lider na Rain or Shine.

Sa pagkakataong ito, na­kakuha siya ng solidong suporta mula kina Robert Bolick, Baser Amer at Enoch Valdez na may 19, 14 at 10 points, ayon sa pag­kakasunod.

Matapos yumukod kontra sa Ginebra, Blackwater, San Miguel at Rain or Shine, hindi na nagpatumpik-tumpik ang NLEX nang rumatsada agad sa 30-17 abante sa first quarter.

Hindi na lumingon pa ang NLEX buhat doon tungo sa 25-point win.

Umiskor ng 13, 12, 11 at 10 points sina Sean Ma­nganti, Tyler Tio, Jason Perkins at Raul Soyud, ayon sa pagkakasunod.

Nagkasya lang sa apat na puntos si import Brandone Francis sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa 1-9 kartada.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with