Pirates nakalusot sa Chiefs sa OT

Sinagasaan ni Lyceum Pirates star guard McLaude Guadana ang malambot na depensa ng Arellano Chiefs sa NCAA Season 100.
NCAA Image

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Lyce­um of the Philippines Uni­versity sa ikala­wang sunod na arangkada matapos kunin ang 90-86 overtime win sa Arellano Universi­ty sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Umiskor sina John Bar­­ba at McLaude Guada­na ng pinagsamang 11 points sa extra period para sa 2-2 record ng Pirates.

Laglag naman ang Chiefs sa 0-4.

Nagpasabog si Barba ng 25 points, habang may 12 markers si Guadana kasama ang anim na puntos sa extension para sa Ly­ceum.

Nag-ambag si Gyle Mon­tano ng 16 points at may 11 at 10 markers si­na Simon Penafiel at Renz Villegas, ayon sa pag­­kakasunod.

Isang 29-7 atake ang ini­­lunsad ng Arellano para agawin ang 63-52 abante sa third period mula sa 44-45 halftime deficit.

Nakabangon naman ang Pirates sa fourth quarter para tumabla sa 79-79 sa huling 18.3 segundo pa­tungo sa overtime.

Sa extra period ay hindi na nakabalik sa kanilang porma ang Chiefs.

Pinamunuan ni Mave­rick Vinoya ang Arellano sa kanyang career-high 22 points, samantalang hu­makot si Jeadan Ongo­­tan ng 13 points at 11 boards.

Sa ikalawang laro, pi­nabagsak ng Mapua Uni­ver­sity ang Letran College, 77-62, tampok ang 18 points at 12 rebounds si Chris Hubilla.

Show comments