^

PM Sports

Anticlimactic

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagbabadya ang anticlimactic ending ng PBA Governors’ Cup elims.

Kung meron mang bearing, para sa seedings na lamang dahil mukhang maagang matatapos ang sabong para sa quarterfinals spots.

Selyado ang top four sa Group A kung isarado ng Magnolia ang pinto ng quarterfinals sa NorthPort sa kanilang laban ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Sisinghap-singhap na nga ang mga Batang Pier, at lalo pang humirap ang sitwasyon ng bumalik sa kanilang dugout si Venky Jois noong kanilang huling laban na nakasakay sa stretcher.

Pasok na ang TNT at Meralco sa top four, at malamang na sasamahan sila sa quarterfinals ng Converge at Magnolia.

Sa Group B, sumungkit na ng quarters tickets ang San Miguel Beer, Rain or Shine at Barangay Ginebra. Out of it all ang Phoenix Super LPG.

Naiwan para magsabong sa huling quarters spot ang Blackwater at NLEX na tabla sa kartadang 3-5. At ito ang natitirang na excitement sa elimination round.

Hahabulin ng mga Road Warriors ang playoffs dream sa kanilang huling dalawang laban kontra Fuel Masters at Ginebra Kings

Habol ang kaparehong mithiin habang haharapin ng Blackwater ang San Miguel Beer at Rain or Shine.

DATOS: Kasabay sa pagharap ng NorthPort sa Magnolia sa krusyal na laban ngayong gabi, nasa operating table si Jois, dadaan sa procedure para sa pagsasaayos ng kanyang naputol na Achilles.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with