^

PM Sports

Rain or Shine swak sa Quarterfinals

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Rain or Shine swak sa Quarterfinals
Kinalabaw ni Rain or Shine import Aaron Fuller sa ilalim sina Javee Mocon at Robbie Herndon ng NLEX.
PBA Image

MANILA, Philippines — Hindi pinabuwelo ng Rain or Shine ang NLEX sa overtime upang itakbo ang 123-114 panalo at pormal na makapasok sa quarterfinals ng 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Sinalpak ni Jhonard Clarito ang panablang follow-up sa regulation upang makapuwersa ng overtime, kung saan nagtulong sina import Aaron Fuller, Adrian Nocum at Anton Asistio upang maselyuhan ang panalo para sa Elasto Painters.

Kumamada ng 25 puntos si Asisto kabilang na ang tatlong free throws sa huling minuto upang palawigin ang kanilang bentahe habang may 23 puntos at 25 rebounds si Fuller.

Nakasosyo ng Elasto Painters sa liderato ng Group B ang San Miguel Beermen hawak ang parehong 6-2 kartada bilang natatanging koponan sa quarterfinals sa ngayon papasok sa krusyal na duwelo nila bukas.

Nag-ambag din ng 15 puntos si Clarito, may 14 si Felix Pangilinan-Lemetti habang may tig-11 sina Caelan Tiongson at Nocum para sa balanseng atake ng mga bataan ni coach Yeng Guiao.

Naghabol buong laro ang Rain or Shine hanggang sa maagaw ang lamang sa fourth quarter, kung saan sila lumayo ng double digits para lang burahin ng Road Warriors na lumamang pa, 110-108.

Sa kabutihang palad, sumaklolo si Clarito habang tinapos nina Fuller sa OT ang laban para sa mabilis na bawi matapos ang 124-102 kabiguan kontra sa Barangay Ginebra.

Nagliyab sa 49 puntos si DeQuan Jones habang may 28 si Robert Bolick para sa NLEX, na nalasap ang ikaapat na sunod na pagkatalo upang malaglag sa 3-5 kartada.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with