Tropang Giga lalapit sa no. 1 spot sa quarters

Jayson Castro (17)
PBA Images

MANILA, Philippines — Sumasakay sa isang four-game winning, streak, walang balak huminto ang TNT Tropang Giga para patibayin ang pag-asa sa No. 1 spot sa eight-team quarterfinals cast ng PBA Season 49 Governors’ Cup.

Makikipagkita ang Tropang Giga sa Magnolia Hotshots ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang bardagulan ng Rain or Shine Elasto Painters at NLEX Road Warriors sa alas-5 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Nangunguna ang TNT sa Group A hawak ang 6-1 baraha kasunod ang Meralco (6-2), Magnolia (4-3), Converge (4-4), NorthPort (3-5) at talsik nang Terrafirma (0-8).

Tabla sa liderato sa Group B ang San Miguel (5-2) at Barangay Ginebra (5-2) at Rain or Shine (5-2) sa itaas ng NLEX (3-4), Blackwater (3-5) at sibak nang Phoenix (1-7).

Huling biniktima ng Tropang Giga ang Bolts, 108-99, tampok ang kontribusyon ni veteran forward Kelly Williams.

Sa unang laro, popormalisahin ng Elasto Pain­ters ang pagpasok sa quarterfinals sa pagtapat sa Road Warriors na laglag sa three-game losing skid.

Show comments