MANILA, Philippines — Tunay na umaangat na ang volleyball sa Pilipinas.
Ito ang nakikita ng ilang foreign coaches na dumating sa bansa kamakailan matapos nitong makalaban ang ilang professional teams.
Kabilang sa mga humanga sa itinaas ng laro ng mga Pinay players si Lurashiki head coach Hideo Suzuki kung saan nag-laro ang kanyang bataan sa PVL Invitational Conference.
Ang Kurashiki ang 2023 champion sa naturang kumperensiya.
Subalit sa taong ito, nagkasya lamang ang Kurashiki sa ikatlong puwesto habang nagkampeon ang Creamline at puma-ngalawa naman ang Cignal HD.
Nakita ni Suzuki na malaki na ang ipinagbago ng laro sa Pilipinas.
“I was shocked because the Filipino teams really leveled up this time and they also have a lot of fans that may have affected our performance in some ways” ani Suzuki.
Tinukoy nito ang mabilis na laro ng mga Pinay players na maihahalintulad sa Japanese style — ang fast plays.
Ganito rin ang pananaw ni Kurashiki player Saki Tanabe.
“Comparing our experience in the PVL this year to last year, the Filipino teams now use a lot more combination plays. It’s like they are playing with a Japanese style which made it difficult for us,” ani Tanabe.
Nakukuha na ng mga Pilipino ang estilo ng mga Japanese dahil karamihan sa mga professional teams at mga collegiate teams ay mas pinipiling magsanay sa Japan.
Bagay na malaki ang naitutulong para mas lalong mapabilis ang kanilang laro tulad ng galawan ng mga Japanese players.