^

PM Sports

Negrito dedma sa bashers

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na matatawag na reserve setter si Kyle Neg­rito sa tropa ng Creamline Cool Smashers.

Madalas itong nakabuntot lamang sa pangalan ni veteran playmaker Jia Morado-De Guzman.

Ngunit pinatunayan ni Negrito na may ibubuga ito.

Sa katunayan, dinala ni Negrito ang Cool Smashers sa Grand Slam kabilang na ang kampeonato sa katatapos na PVL Invitational Conference.

Kaya naman nasungkit ni Negrito ang Best Setter award kasama pa ang Finals MVP award.

Masaya si Negrito na nagbubunga na ang pagsi­sikap nito.

Subalit iginiit nito na mas nakasentro ang ka­ni­lang atensiyon sa kampeo­nato sa halip na individual awards.

“Ang focus talaga namin this conferences yung mag-champion. Yan talaga ang goal namin. Yung makakuha ng ganitong award, bonus lang talaga,” ani Negrito.

Maraming bashers si Negrito sa social media dahil madalas itong ikinukumpara kay Morado-De Guzman.

May pagkakataon na ilang miscues ang nagagawa nito sa plays ng Cool Smashers dahilan para mahirapang mag-adjust ang ilang spikers ng koponan.

Pero hindi naging hadlang para kay Negrito ang mga bashers.

Sa halip, naging inspirasyon ito upang patunayan na kaya nitong dalhin ang kanilang koponan sa kampeonato.

Kaya naman ‘dedma’ lang si Negrito sa mga ba­shers.

“Sabi ni coach dedma lang. Yung mga kasama ko lang din talaga ang pinanghahawakan ko, ibinabalik ko lang yung mga tiwalang ibinibigay nila sa akin,” ani Negrito.

vuukle comment

KYLE NEG­RITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with