^

PM Sports

Heavy Bombers bagsak sa Knights

Russell Cadayona - Pang-masa
Heavy Bombers bagsak sa Knights
Ang reaksyon ni Vince Cuajao ng Letran matapos pumasok ang kanyang tres laban sa Jose Rizal University sa NCAA Season 100.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Tinusok ng Letran College ang unang panalo sa NCAA Season 100 men’s basketball matapos gibain ang Jose Rizal University, 70-62, kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Humakot si Jimboy Estrada ng 22 points, 9 rebounds at 2 assists para sa 1-1 record ng Knights at inihulog ang Heavy Bombers sa 0-2.

“Kailangan talaga na­ming makuha iyong pa­nalo,” ani Estrada. “Stay composed lang kami, sini­mulan namin sa practice kung ano iyong ginagawa namin, tapos sinabihan lang kami ni coach (Allen Ricardo) iyong mga kailangang i-adjust, iyong mga kailangan naming ga­win para maayos namin iyong depensa.”

Nagdagdag si Jace Miller ng 16 points, 5 assists, 2 rebounds at 2 steals para sa kanilang pagsampa sa win column.

Mula sa first period hang­gang sa fourth quarter ay naging dikitan ang bakbakan ng Letran at Jose Rizal.

Ang baseline jumper ni Joshua Guiab ang nagtabla sa JRU sa 56-56 sa 5:58 minuto ng final canto.

Ngunit kumonekta si Deo Cuajao ng dalawang sunod na three-point shots sa huling dalawang minuto para ipadyak sa 66-58 kalamangan ng Knights.

Huling nakalapit ang Jose Rizal sa 61-68 matapos ang triple ni Shawn Argente sa 1:49 minuto.

Ipinasok naman ni Estrada ang isang clutch jumper sa natitirang 46.6 segundo para selyuhan ang panalo ng Letran.

Samantala, sumosyo ang University of Perpe­tual Help System DALTA sa liderato matapos lusutan ang Arellano University, 69-67.

Tumipa si rookie guard Mark Gojo Cruz ng 20 points, 3 rebounds at 3 steals para sa 2-0 marka ng Altas at samahan ang St. Benilde Blazers at San Sebastian Stags sa itaas ng team standings.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with