Thompson bantay-sarado

MANILA, Philippines — Sa kabila ng solidong performance sa kanilang huling laro, binabantayan pa rin ang kalagayan ni Season 47 Most Valuable Player Scottie Thompson na kagagaling lamang sa injury.

Ayaw ni Barangay Gi­nebra head coach Tim Cone na bugbugin pa sa ensayo si Thompson upang hindi ito mabigla.

Hindi makitaan na ga­ling sa injury si Thompson matapos maglatag ng impresibong 21 points, 10 rebounds at 11 assists sa panalo ng Barangay Ginebra sa Blackwater Bossing.

Ngunit nilinaw ni Cone na wala pa sa perpektong kundisyon si Thompson.

Nasa 80 hanggang 90 porsiyento pa lamang ito.

“I thinks Scottie’s in my opinion, he’s playing about 80-90 percent right now. He’s not fully 100 percent. We have to be careful with him in practice,” ani Cone.

Matatandaang nagpa­hinga si Thompson matapos magtamo ng back injury.

“We have to make sure we don’t wear him out and let his back flare up again. We kind of handle him with kid glove, if you call 39 minutes kid glove. We’re trying our best but he’s just too important on what we do and how we do it,” ani Cone.

Masaya si Thompson na nakabalik na ito sa pag­lalaro.

Nakakuha rin ito ng solidong suporta mula sa coaching staff at mga teammates nito gayundin sa mga therapists na na­ngangalaga sa kanyang kundisyon.

Show comments