Letran, JRU sasampa sa win column

MANILA, Philippines — Mag-uunahan sa pagbangon mula sa kabiguan ang Letran College at Jose Rizal University sa NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Magtutuos ang Knights at Heavy Bombers nga­yong alas-11 ng umaga kasunod ang upakan ng Perpetual Altas at Arellano Chiefs sa alas-2:30 ng hapon.

Nagmula ang Letran sa 84-91 kabiguan sa San Sebastian, habang natalo ang Jose Rizal sa University of Perpetual Help System DALTA, 66-82.

Kabiguan kaagad ang natikman ni Allen Ricardo bilang bagong coach ng Knights.

“Ang hirap lang kasi first game and as a new coach, ang daming mga mata, bawal magkamali, bawal matalo pero sa akin, tuloy pa rin ako doon sa pag-change ng personality tsaka character nila,” ani Ricardo.

Samantala, target ng Perpetual na maitayo ang 2-0 kartada sa pagsagupa sa Arellano.

Umiskor ang Altas ng 82-66 panalo sa Heavy Bombers, samantalang nakalasap ang Chiefs ng 80-87 overtime loss sa Emilio Aguinaldo College.

 

 

Show comments