^

PM Sports

Converge rumesbak sa NorthPort

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Converge rumesbak sa NorthPort
Walang nakapigil sa layup ni Converge center Justin Arana laban sa NorthPort.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nakabawi ang Converge sa NorthPort, 107-99, para manatiling nasa dikdikang karera ng quarterfinals sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Limang players ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 21 puntos ni Alec Stockton upang banderahan ang matamis na balikwas ng FiberXers matapos ang masaklap na 135-109 kabiguan sa una nilang paghaharap.

Bunsod nito ay nakatabla ng FiberXers ang Batang Pier sa No. 4 spot ng Group B hawak ang parehong 3-4 kartada.

Nagdagdag ng 5 rebounds, 1 assist, 1 steal at 2 tapal si Stockton habang nakakuha rin ng kontribusyon sa ibang locals na sina Schonny Winston at Bryan Santos na may 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sumapat ito upang halos hindi kailanganin ng Converge ang pamamayani ng super import na si Scotty Hopson na may 12 puntos lang bagama’t may 14 rebounds, 6 assists at 2 steals.

Nagdagdag pa ng 10 puntos si Kevin Racal para sa kalat-kalat na opensa ng mga bataan ni interim coach Franco Atienza.

Galing sa tatlong sunod na kabiguan, pinatunayan ng Converge ang gigil at gutom nito nang rumatsada sa second quarter upang makapagtayo ng 16 puntos na bentahe mula sa dikit lang na 29-26 iskor sa first quarter.

vuukle comment

CONVERGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with