MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang mga world class players dahil itataguyod ng Pilipinas ang prestihiyosong 2024 eFIBA World Finals sa Disyembre 11 hanggang 12 sa SMX Clark Convention Center sa Clark.
Aarangkada ang walong pinakamatitikas na koponan mula sa iba’t ibang panig ng mundo na maglalaban-laban para sa tsansang maging World Champions.
“Clark has already held multi-sport events, including the Southeast Asian Games in 2019. Now we’re excited to host the Season 3 eFIBA World Finals here,” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio.
Magkakaroon ng kinatawan ang mga pambato ng Africa, Asia, Europe, Middle East, North America, South America at Oceania kasama ang runners-up mula sa Europe.
“We felt that Clark was the perfect place for this event as participants can enjoy world-class amenities in a more relaxed, laidback vibe with our usual Filipino hospitality,” wika pa ni Panlilio.
May kabuuang 40 players ang maglalaban sa PlayStation 5 tampok ang bagong release na NBA 2K25 para sa eFIBA World Champion crown.
Nakalaan ang $50,000 premyo.
Base sa competition format, maglalaban ang walong teams na hahatiin sa dalawang grupo kung saan ang dalawang mangungunang koponan sa bawat pool ang aabante sa semis.
Magkakaroon din ng classification games para sa mga hindi papasok sa semis.