^

PM Sports

eFIBA World Finals gaganapin sa Clark

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang mga world class pla­yers dahil itataguyod ng Pilipinas ang prestihiyosong 2024 eFIBA World Finals sa Disyembre 11 hanggang 12 sa SMX Clark Convention Center sa Clark.

Aarangkada ang walong pinakamatitikas na koponan mula sa iba’t ibang panig ng mundo na maglalaban-laban para sa tsansang maging World Champions.

“Clark has already held multi-sport events, inclu­ding the Southeast Asian Games in 2019. Now we’re excited to host the Season 3 eFIBA World Finals here,” ani Sama­hang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio.

Magkakaroon ng kinatawan ang mga pambato ng Africa, Asia, Europe, Middle East, North Ame­rica, South America at Oceania kasama ang runners-up mula sa Europe.

“We felt that Clark was the perfect place for this event as participants can enjoy world-class amenities in a more relaxed, laidback vibe with our usual Filipino hospitality,” wika pa ni Panlilio.

May kabuuang 40 players ang maglalaban sa PlayStation 5 tampok ang bagong release na NBA 2K25 para sa eFIBA World Champion crown.

Nakalaan ang $50,000 premyo.

Base sa competition format, maglalaban ang walong teams na hahatiin sa dalawang grupo kung saan ang dalawang ma­ngungunang koponan sa bawat pool ang aabante sa semis.

Magkakaroon din ng classification games para sa mga hindi papasok sa semis.

FIBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with