^

PM Sports

Every Sweat Counts reyna sa Lakambini Stakes Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasilayan ng mga ka­rerista ang magandang la­banan sa rektahan nang sikwatin ng Every Sweat Counts ang korona sa ka­tatapos na 2024 Philracom “Lakambini Stakes Race” na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Humarurot sa largahan ang liyamadong Every Sweat Counts upang ha­wa­­kan ang bandera sa ka­agahan ng karera, habang nakasunod ang magkakamping Over Azooming na nasa pangalawa at High Dollar na nasa pangatlong puwesto.

Pagsapit sa kalagitna­an ng karera ay lamang ang Every Sweat Counts ng tatlong kabayo sa mga humahabol pero papalapit ng far turn ay kumapit na ang High Dollar at The Kiss.

Pagdating ng huling kurbada ay bakbakan sa unahan ang Every Sweat Counts at High Dollar na nasa bandang labas du­maan.

Mas tumindi ang la­ba­nan ng Every Sweat Counts at High Dollar sa rektahan pero sa huling 100 metro ng karera ay ba­hagyang umungos ang winning horse.

Tinawid ng Every Sweat Counts ang finish line na may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang High Dollar, terse­ro ang The Kiss, habang pu­mang-apat ang Beltuna.

Nirendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Za­rate, inirehistro ng Every Sweat Counts ang tiyempong 1:41.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse ang P300,000 premyo.

Nakopo naman ng se­cond placer High Dollar ang P100,000, habang tig-P50,000 at P25,000 ang The Kiss at Beltuna, ayon sa pagkakasunod.

Naibulsa rin ng bree­der ng nanalong kabayo ang P25,000, habang may P15,000 ang second at P10,000 ang third placers.

 

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with