Dahil sa tremendous boost mula kay prized import George King, sumirit tungo playoff contention ang Blackwater.
Mula 0-3, lumipad tungo 3-3 ang koponan ni coach Jeff Cariaso nang dumating si King at agad nagpasiklab ng super statsline na 38.6 points at 15.6 rebounds per game.
Walang jetlag, walang jitters.
Pure good impressions ang agad na hinatid ni King. At hindi naman kataka-kata para sa isang legit na NBA veteran na naglaro sa Phoenix Suns at Dallas Mavericks.
Unang ginulantang niya sina Justin Brownlee at Barangay Ginebra sa kanyang 33-point, 19-rebound PBA debut na nag-angat sa mga Bossing sa 95-88 stunner.
Sumunod ang kanyang 44-point, 13-rebound effort sa kanilang 123-111 win kontra Phoenix at ang 39-point, 15-rebound job sa 110-99 squeaker over NLEX.
At malamang nasa tuktok ng board sa dugout si King sa pre-game talk ni coach Tim Cone para sa Blackwater-Ginebra rematch ngayong gabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Mahinto kaya ng Gin Kings si King sa kanilang return match?
Kung hindi, tutuloy ang ratsada ng Blackwater at malamang na dumeretso sa pagsungkit ng playoff spot.
Madalang makarating sa playoffs ang koponan ni Dioceldo Sy.
Last time eh sa 2022-23 Philippine Cup.
Pero ngayon naka-jackpot ng import na gaya ni King, nakikita kong masasali ang Blackwater at least sa quarterfinals picture.