Bulldogs unang hahamon sa Archers

MANILA, Philippines — Ibabandera agad ng defending champions De La Salle University Green Archers ang pambatong si Kevin Quiambao sa simu- la ng kanilang pagdepensa ng titulo kontra sa National= University Bulldogs sa alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. Maliban kay Season at Finals Most Valuable Player Quiambao, iba- bangga din ng Taft-based squad sina Michael Phil- lips, Joshua David at CJ Austria.

Markado ang 23-anyos na si Quiambao na mahu- say na collegiate player matapos ang sunud-su- nod na pag-akay nito sa Green Archers matapos magkampeon sa PBA D- League, Pinoyliga Cup at ang katatapos lang na World University Basket- ball Series sa Japan.

Nakatakda naman magtapat ang University of the East Red Warriors at University of Santo To- mas Growling Tigers sa ala-1 ng hapon sunod ang bakbakan sa pagitan ng Adamson University Soa- ring Falcons at Far Eastern University Tamaraws sa alas-3 ng hapon.

Samantala, nagkaroon naman ng magarbong opening ceremonies ang season host University of the Philippines matapos iparinig ang magagan- dang musika mula sa mga orchestra, banda at choir. Malaking hatak sa mga manonood ang pagtugtog ng sikat na 90s band na Eraserheads, ipinarinig ang kanta nilang pinasi- kat na Alapaap, Sem- break, Ligaya, Pare Ko, Minsan, Magasin at ang 1997 MTV Asia Viewer’s Choice Award na Huling El Bimbo.

Show comments