^

PM Sports

Diretsong tres sa Blackwater

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Diretsong tres sa Blackwater
Dinomina ni Blackwater big man Troy Rosario sa ilalim si NLEX guard Baser Amer.
PBA Image

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng Blackwater matapos sunggaban ang NLEX, 110-99, para sa ikatlong sunod nitong tagumpay sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Tumabo ng 39 puntos, 15 rebounds at 5 assists si George King upang manatiling walang galos sa PBA debut simula nang datnan ang Bossing na may 0-3 kartada matapos ang problema sa original import na si Ricky Ledo.

Lundag ngayon sa 3-3 ang Bossing para makatabla ang bagong biktima na Road Warriors sa ikatlong puwesto sa likod lang ng Rain or Shine (4-1) at San Miguel Beer (3-2).

Nakakuha ng solidong kontribusyon si King mula kina Troy Rosario at No. 2 rookie pick na si Sedrick Barefield na umiskor ng 15 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Umakbay din sa kanila sina RK Ilagan, Justin Chua at Christian David na may 13, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Matamis na higanti ito ng Blackwater sa NLEX matapos ang 104-97 kabi­guan sa first round na bahagi ng maalat na 0-3 simula nila matapos ding yumukod sa Rain or Shine, 110-97, at San Miguel, 120-108.

Buhat noon sa pangu­nguna ni King ay kinaldag ng Bossing ang paboritong Ginebra, 95-88, bago tambakan ang Phoenix at ngayon ay NLEX kahit pa muntikang malustay ang 20 puntos na lamang.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with