^

PM Sports

Blue Eagles mapapalaban agad sa Fighting Maroons

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makikilatis agad ang tikas ng last year’s runner-up University of the Phi­lippines dahil salang agad sila sa pagbubukas ng 87th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

Makakalaban ng Figh­ting Maroons ang Ateneo Blue Eagles sa alas-6:30 ng gabi habang ang opening ceremony ay sa alas-11 ng umaga.

Dalawang sunod na second placer ang Fighting Maroons pero para kay coach Goldwin Monteverde, naniniwala siyang hindi iyon mga kabiguan.

Nangangahulugan lamang na may ibubuga ang kanyang koponan at kailangan lang nila mag improve sa bawat games.

“Siguro, it’s just s­ticking with the process that we know which is trying to improve every game,” ani Monteverde.

Mas magiging determinado pa ang kanyang mga bataan ngayon kahit may ilan sa mga key pla­yers nila ang nawala.

Kaya naman kakapitan ni Monteverde sa kanilang unang laro ay sina JD Cagulangan, Harold Alarcon, Gerry Abadiano at nakaraang taong rookie of the Year awardee, Francis Lopez.

Ang ibang natirang players ng UP ay sina Aldous Torculas, Terrence Fortea, Janjan Felicilda, Reyland Torres, Chicco Briones, Sean Altera at Mark Belmonte.

Mga bagong dating sa UP ay sina Quentin Millora-Brown, Sean Alter, Gani Stevens at foreign student-athlete Dikachi Ududo mula sa Nigeria at rookie Jacob Bayla.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with