^

PM Sports

Gilas Boys tumukod sa Jordan

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinapos ang Gilas Pilipinas boys kontra sa host na Jordan, 62-56, para sa una nitong kabiguan sa FIBA U18 Asia Cup kahapon sa As Salt Arena Complex sa Amman, Jordan.

Kagagaling ng Gilas sa 75-48 panalo kontra sa Indo­nesia pero hindi napanatili ang init upang malaglag sa 1-1 kartada sa Group D.

Tanging si Mark Airick Esperanza lang na may 14 puntos ang nakapagpasiklab para sa Gilas na maagang lumamang bago maubusan agad ng gasolina.

Naiwan sa hanggang 12 puntos ang Gilas mula dito ay hindi na nakalingon pa nang magkasya lang sa 9 puntos ang ace na si Wilhalm Lawrence Cabonilas matapos bumira ng 19 puntos at 8 rebounds kontra sa Indonesia.

Kailangan ng Gilas na manalo sa huling laban nito ngayon kontra sa wala pang galos na New Zealand (2-1) para makapuwersa ng tabla at manatiling buhay ang pag-asa sa No. 1.

Ang No. 1 team lang kada grupo ang aabante sa quarterfinals ng torneo habang kailangan pang dumaan ng No. 2 at No. 3 teams sa qualification upang makapasok. Laglag ang kulelat na koponan.

Samantala, bumandera sina Saif Al-deen Saleh and Hadi Ahmmar Alshami na may 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Jordan na naibawi ang 72-61 panalo kontra sa New Zealand para sa parehong 1-1 kartada.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with