^

PM Sports

Gawilan kinapos sa Paris

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigo si four-time Asian Para Games champion Ernie Gawilan na makapag-uwi ng medalya sa 17th Paris Paralympics swimming competitions na ginaganap sa Paris La Defense Arena.

Nagtapos lamang si Gawilan sa ikaanim na puwesto sa men’s 400m freestyle S7 final matapos magrehistro ng limang minuto at 3.18 segundo.

Gayunpaman, magandang improvement ito para kay Gawilan na nasa ikapitong puwesto sa Tokyo Paralympics noong 2021 na ginanap sa Japan.

Mas maganda ang oras ni Gawilan sa quali­fying round kung saan nagsumite ito ng 5:00.13 para manguna sa kanyang heat.

Napasakamay ni Fe­derico Bicelli ng Italy ang ginto tangan ang 4:38.70 habang pumangalawa si Andrii Trusov ng Ukraine (4:40.17) at ikatlo si Inaki Basiloff ng Argentina (4:40.27).

Nauna nang sumalang si Gawilan sa 200m individual medley SM7 subalit kinapos din ito matapos magtala ng 2:56.39 para sa ika-11 posisyon.

Nagpasalamat si Ga­wilan sa lahat ng Pinoys na sumuporta sa kanyang laban.

“Maraming salamat po sa tiwala ninyo… Ginawa ko na po lahat mailap lang po talaga. Sobrang naa-appreciate ko po kayong lahat,” ani Gawilan.

Nakatakda namang sumabak sa kani-kanyang events sina wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa men’s 100m T52 at javelin thrower Cendy Asusano.

Sa kasalukuyan, wala pa ring medalya ang Team Philippines sa Paris Paralympics.

vuukle comment

PARIS PARALYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with