Hotshots balik sa porma
MANILA, Philippines — Halos hindi pinawisan ang Magnolia kontra sa Terrafirma, 124-103, para sa krusyal na panalo sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
Sumandal sa 34-13 arangkada ang Hotshots sa first quarter at hindi na muling lumingon pa tungo sa kumbinsidong panalo upang makabalik sa winning column ng Group A.
Angat sa 2-2 kartada ang Magnolia para sa No. 4 spot matapos ang 88-82 kabiguan kontra sa reigning champion at lider na Talk ‘N Text sa nakaraang laban.
Kumamada ng career-high na 24 puntos si Jerrick Ahanmisi tampok ang 4 na conversions mula sa 4-point line upang trangkuhan ang tambak na panalo ng mga bataan ni coach Chito Victolero.
Humakot din ng 20 puntos ang import at dating NBA Slam Dunk champion na si Glenn Robinson III habang sandamakmak pang Hotshots ang umiskor ng double digits sa kanilang balanseng atake.
Wala pa ring panalo ang Dyip sa 0-4 karta sa kabila ng 23 at 22 puntos nina Stanley Pringle at Christian Standhardinger, ayon sa pagkakasunod.
- Latest