MANILA, Philippines — Itinuloy kahapon ng PLDT ang pagsasampa ng protesta ukol sa kanilang unsuccessful challenge sa match point laban sa Akari sa 2024 PVL Reinforced Conference knockout semifinals game noong Sabado.
Sa isang team statement, sinabi ng High Speed Hitters na opisyal nila itong ipinasa sa PVL Board.
“We are overwhelmed with the support we are getting not only from our loyal PLDT supporters but also from Philippine volleyball fans across multiple fandoms who have been encouraging us to file a protest to bring back some sense of integrity into the sport we all love,” pahayag ng PLDT.
“In this regard, we have officially filed a complaint with the PVL Board. Our High Speed Hitters and the coaches have been fighting tooth and nail for every win and every point. This is us, the management, showing that we will fight for them, too. From this point on, we can only hope for the best.”
Tinalo ng Chargers ang High Speed Hitters, 25-22, 18-25, 22-25, 26-24, 17-15, sa knockout semis match patungo sa kanilang kauna-unahang PVL finals appearance.
Hawak ang 14-13 abante sa fifth set, tumawag ang PLDT ng net fault challenge kung saan nakita nilang nagalaw ni Akari middle blocker Ezra Madrigal ang net.
Matapos ang review ay itinuring itong unsuccessful ng mga PVL officials na nagbigay sa Chargers ng puntos at nagtabla sa laro sa 14-14.
Tinukoy ni PVL Commissioner Sherwin Malonzo ang FIVB casebook.
“There was no fault because na-establish na ‘yung position, ‘yung dalawang paa before she (Madrigal) turned,” paliwanag ni Malonzo sa kanilang desisyon.