MANILA, Philippines — Tunay na hindi malilimutan ni dating naturalized player Andray Blatche ang Pilipinas dahil sa malalim na karanasan nito habang naglalaro para sa Gilas Pilipinas.
Ilan sa mga inalala ni Blatche ang ratsada ng Gilas squad sa 2014 FIBA World Cup na ginanap sa Seville, Spain.
Ginulantang ng Pinoy cagers ang buong mundo nang pahirapan nito ang ilang powerhouse teams sa FIBA World Cup kabilang na ang Argentina, Croatia, Puerto Rico at Greece.
“Honestly, out of all the years I played basketball, what we were doing were some of the most unheard of and amazing things I’ve seen in my whole career. The Philippines, playing in the World Cup in my first year,” ani Blatche.
Hindi maitago ni Blatche ang saya nang makipagsabayan ang Gilas Pilipinas sa malalakas na koponan bitbit ang bandila ng Pilipinas.
“Imagine me, it’s me, and all Filipino guys, just playing with heart, playing against Greece, Italy, everybody. And we’re taking everybody to the wire,” ani Blatche.
Mas lalo pang minahal ni Blatche ang Gilas Pilipinas dahil sa mainit na suporta ng Pinoy fans saan mang panig ng mundo.
“The atmosphere is completely different. Way more energetic. All the games I played, I only came out the game probably like once or twice for like 30 seconds or a minute,” ani Blatches.
Sa kanyang FIBA World Cup stint, nagtala si Blatche ng averages na 21.2 points, 13.8 rebounds at 1.6 steals.
Namangha si Blatche na may Pinoy fans saan man sila maglaro.