^

PM Sports

Gawilan, Bantiloc flag-bearers sa Paris Paralympic Games opening ceremony

Russell Cadayona - Pang-masa
Gawilan, Bantiloc flag-bearers sa Paris Paralympic Games opening ceremony
Sina Para archer Agustina Bantiloc (kaliwa) at Para swimmer Ernie Gawilan ang tatayong flag bearers ng Pilipinas sa opening ceremony ng 17th Paris Paralympic Games sa Miyerkules.
Philippine Paralympic Committee

MANILA, Philippines — Sina para swimmer Ernie Gawilan at para archer Agustina Bantiloc ang tatayong flag-bearers ng Team Philippines sa outdoor opening ceremony ng 17th Paralympic Games sa Miyerkules sa Champs-Elysées hanggang sa Place de la Concorde sa Paris, France.

“We had several discussions about who will be the standard-bearers at the opening ceremony with the coaches and it was decided among us that Ernie and Tina (Bantiloc) were the athletes to do it,” ani PH Paralympic team chef de mission Ral Rosario.

Makakasama nina Gawilan at Bantiloc sa inaugural day parade sina para track and field athletes Jerrold Mangliwan at Cendy Asusano, para swimmer Angel Mae Otom at para taekwondo jin Allain Ganapin.

“Siyempre proud and happy, of course. Makakatulong nang malaki sa akin,” sabi ni Bantiloc na pasisimulan ang kampanya ng Team Philippines sa women’s individual compound event sa Huwebes sa Esplanade des Invalides archery range.

Simula noong Agosto 11 ay sumalang na sa ensayo sa Nimes, France ang anim na miyembro ng national paralympics team.

Hindi pa nananalo ang Pinas ng gold medal sa pagsalang sa nasabing quadrennial event para sa mga athletes with disabilities simula noong 1988 edition sa Seoul, Korea.

Ang dalawang bronze medals nina powerlifter Adeline Dumapong noong 2000 at table tennis player Josephine Medina noong 2016 ang tanging mga medalya ng bansa sa Paralympic Games.

 

 

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with