^

PM Sports

UAAP, NCAA opening sabay sa Setyembre 7

Chris Co - Pang-masa
UAAP, NCAA opening sabay sa Setyembre 7
UAAP
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Sabay na magbubukas ang dalawang prestihiyosong collegiate leagues sa bansa — ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) — sa magkahiwalay na venue sa Setyembre 7.

Sisimulan ang bakbakan ng UAAP sa pagdaraos ng ika-87 season nito sa Smart Araneta Coliseum tampok ang salpukan ng apat na koponan.

Inaasahang ilalatag din ang makulay na opening ceremonies bago simulan ang dalawang laro sa men’s basketball tournament.

Sisimulan ng reigning champion De La Salle University ang pagdepensa sa korona na napanalunan nito noong nakaraang taon matapos patumbahin ang University of the Philippines sa best-of-three cham­pionship series.­

Tatayong season host ang UP.

Sa kabilang banda, aarangkada naman ang ika-100 edisyon ng NCAA sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inaasahang magarbo ang pagdaraos ng opening rites ng NCAA lalo pa’t magdaraos ito ng centennial year.

Wala pang eksaktong detalye ang pamunuan ng NCAA sa magiging programa nito.

Subalit usap-usapan na ang pagbibigay-pugay nito sa ‘100 Greatest Players’ na naging icon sa lara­ngan ng sports na mula sa pinakamatandang liga sa bansa.

Magsisilbing season host naman ang Lyceum of the Philippines University na siyang maghahanda para sa magarbong palabas kasama ang iba pang mi­yembro ng liga.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with