MANILA, Philippines — Matagumpay ang operasyon ni fencer Samantha Catantan na nagtamo ng injury sa kasagsagan ng laban nito sa Paris Olympics.
Kaya naman nagpasalamat ang Philippine Olympic Committee (POC) sa kontribusyon ng St. Luke’s Medical Center-Global City na katuwang ng Team Philippines sa kampanya nito.
Naging matagumpay ang Team Philippines sa Paris matapos masungkit ni Carlos Yulo ang dalawang gintong medalya sa gymnastics at tig-isang tanso mula kina boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Si renowned sports medicine expert Dr. Jose Raul Canlas ng St. Luke’s Medical Center-Global City ang nag-opera kay Catantan na nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) sa laban nito sa Paris.
Ginawa ito ni Canlas at ng St. Luke’s nang libre.
Tagumpay ang operasyon noong Biyernes.
“It’s an interesting story. I did the major surgery in Sam’s knees and when the administration of St. Luke’s found out that she’s an Olympian, all her hospital bills were waived,” ani Canlas na bahagi ng FIBA at siyang nanguna sa Philippine Olympic Committee (POC) medical committee.
Kaya naman nagpasalamat si POC president Abraham “Bambol” Tolentino sa St. Luke’s Medical Center-Global City.
“Sam, just like the rest of our athletes, is a national treasure, regardless of whether she medaled in her Olympic debut or not in Paris,” ani Tolentino.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Catantan sa matagumpay na operasyon nito.
“Thank you to St. Luke’s, Doc Canlas and the POC, [Tagaytay City] Mayor Tolentino for helping me,” ani Catantan.
Si Catantan ang kauna-unahang Pinay fencer na nagkwalipika sa Olympics.
Nakapasok ito sa Round of 32 sa Paris Games.