District One markado sa PCSO 2YO Maiden race

MANILA, Philippines — Ilang tulog na lang at masisilayan na ng mga karerista ang tikas ng District One dahil sa darating na Linggo na ang 2024 PHILRACOM - PCSO “2-Year-Old Maiden Stakes Race” na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Makikipagtagisan ng bilis ang District One sa anim pang nagsaad ng pagsali para paglabanan ang nakalaan na P1.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid ng meta.

Inisponsoran ng PHILRACOM (P500,000) at Philippine Charity Sweepstakes Office (P1M) ang nasabing papremyo.

Nagkumpirma din ng paglahok sa distan­syang 1,200 meter race ang Binibining Marikit, Black Widow, Constatic Offer, Easy Go Lucky at Easy Money.

Ayon sa komento ng ibang karerista, posibleng makakuha ng malaking suporta ang magka-kuwadrang Easy Go Lucky at Easy Money.

Sasakyan ni reigning Philippine Sportswri­ters Association (PSA), J­ockey of the Year awardee John Alvin Guce ang District One, puntirya nila na masungkit ang P900,000.

Nasa P337,500 ang hahamigin ng second pla­cer habang P187,500 at P75,000 ang third at fourth, ayon sa pagkakasunod.

 

Show comments