Ruivivar, Marcos magkikita sa Malacañang

MANILA, Philippines — Nakatakdang makipagkita si Filipino-American gymnast Levi Ruivivar kay President Bongbong Marcos sa Malacañang Palace.

Ito ang inihayag ni Ruivivar kung saan parating na ito sa Maynila para sa isang courtesy call sa Malacañang kasama ang punong ehekutibo.

“Heading to Manila to meet the President,” ani Ruivivar sa post nito sa kanyang social media.

Nagpasalamat si Ruivivar dahil mismong ang opisina ng Pangulo ang nag-ayos ng courtesy call.

“What an honor. Thank you to the President and his office for making this dream come true. Can’t wait to see everyone,” ani Ruivivar.

Inaasahang darating ngayong araw si Ruivivar matapos ang mahabang biyahe mula sa Los Angeles, California patungong Maynila.

Hindi nakasama si Ruivivar sa courtesy call at heroes parade matapos umanong hindi ito maabisuhan ng pamunuan ng Gymnastics Association of the Philippines.

Naglabas ng sama ng loob si Ruivivar sa kanyang social media account kung saan inilabas nito ang screenshot ng pakikipag-usap nito kay GAP president Cynthia Carrion.

Inaasahang maaayos na ang gusot sa oras na duma­ting ito sa Maynila.

Show comments